By Delia Cuaresma
May bago na namang sasakyan si Yassi Pressman.
Niregaluhan ng dalaga ang sarili ng bagong van nitong huli niyang birthday.
Kaka-23 lang ng aktres nitong Mayo 11.
Nagkakahalaga diumano ang van ng higit kumulang R2.5 million pero giit ng dalaga hindi ito luho.
Aniya importante ang van kapag magdamagan ang shooting dahil pwede raw siya magpahinga sa loob nito.
“Maglalagay ako ng bed dun,” eksplika niya.
Pero di kaila sa fans ang pagkahilig ni Pressman sa sasakyan. Madalas kasi itong mag-post sa social media na gamit ang iba’t-ibang de klase at mamahaling sasakyan katulad halimbawa ng Maserati.
Mga ilang buwan na ang nakalilipas napabalita rin na bumili ang dalaga ng isang Ford Mustang.
Aminado si Pressman na parte na ng lifestyle niya ang sasakyan.
Aniya “I think I’m always into more sporty things like cars or sports or activities. I like active things eh, ‘yung medyo adventurous.”