By DANTE A. LAGANA
Umani ng masigabong palakpakan si Jake Cyrus sa huling concert nito nang magsalita ito ukol sa “bashing.”
Simula niya, “I hope sa lahat ng tao dito before you bash someone, before you say something bad, before you make fun of someone ‘pag sinabi ko na ‘he-he-he ok lang ’yun,’ it doesn’t mean that I allow you to do it. It doesn’t mean that you allow other people to hurt you emotionally kasi masakit iyon kesa napapagod ka physically.”
Dagdag pa niya, “Sometimes sinasabi ng iba ‘Opinion ko naman ito,’ (pero) iba ang opinion sa insulto. Ang insulto, (puedeng katulad ng) ‘Napakapangit naman niyan, dapat baguhin ang buhok niya,’ o ‘Ang pangit niya.’ Ang opinion, parang (suggestion).”
Nagpalakpakan at nag-I love you kay Jake ang mga tao sa sinambit niya.
Maganda ang kinalabasan ng show ni Jake na ginanap sa Skydome. Todo suporta ang mga Jakesters na ang iba ay may hawak pang banner.
Sa kabuuan ng show hindi mo maiisip o makikita at maririnig ang dating Charice Pempengco na biritera. Boses lalaki na ang maririnig sa singer na ibang-iba na rin ang look.
Categorized ang lahat ng inawit ni Jake. Magmula sa jazz, R&B, rock, may hugot songs din, may classics, ballads at iba pa.
Naghiyawan ang mga tao nung kinover niya ang “Malaya,” ni Moira Dela Torre, “Himala” ng Rivermaya at “Kailan” ng Smokey Mountain.
Pero ang lalong nagpasigaw at nagpangilabot sa mga tao ay ‘yung duet nila ni Jessica Sanchez sa “The Prayer.” First time maka-duet ni Jessica si Jake at sa concert pa nangyari.
Sa bandang dulo ng concert naiyak si Jake dahil sinorpresa siya ni KZ Tandingan nang “One Call Away.”
Matatandaang isa sa mga judges si Jake noong panahong manalo si KZ sa “The X Factor Philippines” noong 2012.
Before the end of the concert inawit ni Jake ang kantang sobrang nakakarelate siya ang “In My Blood” ng Canadian singer na si Shawn Mendes.
Maganda ang pagkakadirek ng concert ni Calvin Neria. Maayos din ang musical direction ni Adonis Tabanda pati na ang lighting effect ni Arman Manaois.