By Ruel J. Mendoza
Hindi na gagawin ang Miss Universe 2018 sa Pilipinas.
Ayon sa bagong talagang Department of Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat, mas marami pa raw importanteng concerns ang kanilang department sa ngayon kesa mag-host ng Miss Universe Pageant.
“We’ll focus muna on other things. Anyway, kaka-Miss Universe lang naman so baka saka na lang. Marami muna tayo kailangan ayusin,” diin pa ni Puyat.
Nagbigay naman ng kanyang komento rito si 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee. Para sa kanya ay mas maganda na rin na sa ibang bansa gawin ang Miss Universe para mas malaki ang chance ng ating representative to win the crown.
Naalala kasi ni Shamcey ang sinabi noon ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na hindi maganda na manalo ang isang candidate from the host country.
“In a way, tama naman ang sinabi ni Miss Gloria Diaz, in respect na rin sa pagiging host country.
“Para sa akin din kasi, mas walang pressure kung nasa ibang bansa ang candidate ng Pilipinas. It will take off a lot of pressure kasi malayo ka, eh. Unlike kapag nandito ka, although you are near your family and friends, iba ang stress na mabibigay no’n especially with social media. Nalalaman mo tuloy ang mga sinasabi ng ibang tao sa iyo,” sey ni Shamcey.
Noong 2011 sa Brazil naganap ang Miss Universe at bihira raw gumamit ng internet si Shamcey noong nasa competition siya.
“Mahal ang paggamit ng internet doon, kaya bihira ako mag-check ng messages ko. Kaya ‘yung focus ko was on the competition lang talaga. Wala akong distraction at hindi ko alam ang mga comments ng mga netizens sa akin kung okay ba ako or hindi.
“Nalaman ko na lang lahat ng comments after na ng pageant. So walang pressure and I was on top of the game na hindi ako worried sa mga itu-tweet or ipo-post ng sinuman sa social media,” pagtapos pa ni Shamcey.