By GLEN P. SIBONGA
Inanunsiyo mismo ni Kris Aquino sa kanyang original Instagram account na @krisaquino na mayroon na siyang isa pang IG account, ang @howtobekrisaquino. Ito raw ay upang hindi isipin ng mga tao na peke ang bago niyang IG account.
Ipinaliwanag ni Kris sa isang post kung bakit niya kailangang gawin ito at tinulungan pa siya sa pag-set up ng kanyang managing director sa Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis (@nix722).
Ani Kris: “My KCAP Team & I decided the time was now for 2 separate IG feeds. My original one is my personal & organic one. Please follow @howtobekrisaquino (@nix722 & i set it up tonight). This will be my feed for all my branded partnerships, endorsements, and yes, my chance to truly give back the #lovelovelove. This will be where & how I’ll do my regular sharing & gift giving. Plus this will be where we’ll announce my store visits, product launches, and giveaways.
Mayroon nagsasabing tila wrong move ito dahil baka raw ma-divide ang kanyang followers pero mas marami pa rin ang sumusuporta sa move na ito ni Kris. Ilang oras pa nga lang simula nang i-set up ang@howtobekrisaquino ay mahigit sa 5,000 na agad ang followers nito. And for sure lumobo na ito paglabas ng artikulong ito.