By Delia Cuaresma
Nanganak na Lunes ang singer-actress na si Jolina Magdangal.
Obvious na proud na proud si Jolina sa supling dahil ilang oras lamang pagkapanganak ay nag-post na agad ito ng picture ng anak sa Instagram.
Sabi niya sa caption: “Andito na siya! Maraming salamat sa lahat ng dasal. Ang sakit ng tahi pero pipilitin ko kayanin.”
Makikita sa larawan ang bagong silang na nakasuot ng pink na bonnet.
Ani Jolina: “Mukha siyang naka maputing foundation pero totoong maputi siya! At parang nakalipstick. At mas may buhok siya kesa kay Pele nung bagong panganak. Excited ako ng ayusan siya.”
Si Pele ang 3-taon na panganay nila ni Mark Escueta.
Samantala, sa sariling post, nagpasalamat si Mark sa lahat ng nagdasal para sa kanyang mag-ina.
“Our Princess has arrived. Thank you everyone for your prayers. Jolina is recovering well. Thank you Lord for another miracle.”