By Rowena Agilada
Parehong may isyu ngayon ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.
Hiwalay na daw si Cristine sa husband niyang si Ali Khatibi. Hanggang ngayon hindi pa nagsasalita pareho ang dalawa tungkol dito.
Si Ara naman, nali-link sa isang public official. Diumano, ito ang nag-sponsor sa ginanap na fun run ng aktres para sa mga taong may Down Syndrome.
Mukhang nadadalas yatang ma-link si Ara sa public official. Alam ng lahat na ang ex-boyfriend niya – na naging tatay ng anak niyang si Mandy – ay si Bulacan Mayor Patrick Meneses.
Pinatulan
Pinatulan ni Paolo Ballesteros ang isang netizen na pilit inili-link si Maine Mendoza kay Juancho Trivino, at si Julie Ann San Jose kay Alden Richards.
Ayon sa netizen, alam niyang si Maine ay ka relasyon ni Juancho at ang “idol” niyang si Julie Anne San Jose ay para kay Alden Richards. “Walang forever sa Aldub,” post ng netizen.
Sagot naman ni Paolo: “luh, baliw lang.”
Nagsuot pa siya ng statement black t-shirt na nakasulat ang katagang, “Dami mong Alarm!”
Ang caption niya, “Para sa mga magagaling jan. dami mong alarm! Wooh!!!”
Sa isang interbyu, nilinaw ni Juancho na magkaibigan lang sila ni Maine. Special ito sa kanya, pero walang malisya ‘yun.
Si Julie Anne naman ay si Benjamin Alves ang real-life boyfriend. Kaya tigilan na ang pagli-link sa kanila ni Alden.
Mataba lang
Mataba lang daw siya at hindi pregnant, ayon kay Anne Curtis. Ito ay makaraan umani ng puna sa mga netizens ang kanyang lumalaking pangangatawan.
Ani Anne, naparami raw kasi ang kain niya noong nagte-training siya para sa London marathon.
Naparami rin ang kain niya noong nagbakasyon sila sa Batanes ng mister niyang si Erwan Heussaff. Masarap daw kasi ang pagkaluto ng kanin doon.
Hindi nape-pressure si Anne magbuntis. Aniya, “Darating din ‘yan. If it happens, it happens.” Oo nga naman!