By Rowena Agilada
OUT of more than 120 script submissions, pito lang ang napili ng Selection Committee ng 3rd TOFARM Film Festival 2018 na official entries. Si Bibeth Orteza, festival director, ang nagpahayag ng mga ito na kinabibilangan ng “1957,” isang historical drama written and directed by Hubert Tibi, “Alimuom,” science-fiction offering na written and directed by Keith Sicat, “Fasang,” isang period romance ni Charlson Ong, “Mga Anak ng Kamote,” futuristic drama ni John Carlo Pacala, “Isang Kuwento ng Gubat,” biopic ng Pinoy botanist na si Leonardo Co, written by Rosalie Matilac at directed by Ellen Ongkeko-Marfil, Rosalie Matilac, and Nilo Paz, “Lola Igna,” cultural drama, written and directed by Eduardo Roy, Jr. at “Sol Searching,” dark comedy ni Roman Perez, Jr.
Ang bumubuo ng TFF Selection Committee ay sina Raquel Villavicencio, (chairperson), Antoinette Jadaone, Mario Cornejo, Krip Yuson at Manny Buising. Ang director na si Joey Romero ang managing director.
Gaganapin ang TFF 2018 mula September 12-18. Brainchild ito ni Dra. Milagros How (executive producer) at ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes na siyang festival director. Ang theme this year ay “A Tribute to Life: Parating Na.”
Ayon kay How, R1.5-million ang budget na inilaan niya sa bawat entry. Willing siyang dagdagan ang budget depende sa project at sa mga artistang kukunin.
Ayon naman kay Ms. Bibeth Orteza, binabalak din nilang i-market internationally ang pitong official entries.
Agaw-pansin
Sa isang showbiz event na ginanap kamakailan, agaw-pansin ang dalawang female stars (FS). Todo effort sa kanilang outfits ang ibang artistang dumalo. Ayon sa isang source, ‘yung dalawang FS, parang nagpunta lang sa mall ang peg.
Si FS1, naka-simpleng t-shirt at pants lang. Si FS2 naman, naka-tube blouse at sira-sirang maong pants.
“Dapat sa mga artista, bihis-artista talaga pag nagpupunta sa showbiz events. Dapat, ‘yung may star aura,” sabi ng source.
Dagdag pa nito, hindi naman sikat ang dalawang FS. Feeling-feelingan lang. Wala nga raw showbiz press ang nag-interbyu sa mga ‘yun.
Itinanggi
Itinanggi ni Ara Mina na boyfriend niya ang nail-link sa kanya na government official. Napag-alaman naming binata ito at nakatakda nang ikasal sa kanyang fiancée.
Tinapos na ni Ara ang isyu at nakiusap siyang huwag nang idamay ang mga taong sangkot. So, there!