By Rowena Agilada
MAY anxiety disorder pala si Sofia Andres. Pinost niya ito sa socmed. Aniya, kumunsulta siya sa isang therapist at nag-a-undergo siya ng counselling.
Ayon kay Sofia, sobrang nag-aalala siya sa lahat ng bagay. Toxic for her ang dalawang nakaraang taon sa buhay niya.
These past few days, nag-iisip siya ng masasamang bagay. May mga pagkakataong very, very low ang feeling niya.
Payo niya sa mga taong nakakaranas ng anxiety – breathe, listen and hold on.
Naging negative ang dating ni Sofia sa entertainment press ng dinedma niya diumano ang ilan sa mga ito sa isang presscon. Hindi lang once, but twice na daw niyang ginawa ‘yun sa isa pang event.
Paliwanag ni Sofia, nahihiya siyang batiin ang press dahil hindi niya kilala ‘yung iba. ‘Yung ibang artista, todo-effort sa pagbati kapag nakakakita ng press kahit hindi nila kilala. Beso-beso pa, as if feeling close sila.
Could it be dahil sa kanyang anxiety disorder, kaya nag-aalala si Sofia na baka isnabin siya ng press kapag binati niya? Let’s give her the benefit of the doubt.
Winner
Congratulations to Ashley Ortega. Win siya ng tatlong gold medals sa katatapos na Skate Philippines Summer Championship 2018 na ginanap sa SM Mall of Asia.
Win si Ashley sa tatlong categories… Interpretative, Artistic at Spotlight. May special award din siya, Most Artistic.
Ayon sa Kapuso star, dati siyang miyembro ng Philippine team at nagku-compete siya abroad sa skating competitions.
Siya ang representative ng Pilipinas.
She was four years old noong nag-umpisa siyang mag-skating. Huminto siya noong pumasok siya sa showbiz. Medyo kabado nga raw siya noong nag-join siya sa nakaraang Skate Philippines Summer Championship at hindi niya ini-expect na mananalo siya.
Bilang suporta kay Ashley, nanood ang co-Kapuso star niya na si Andre Paras. Naging ka-love team ni Ashley si Ruru Madrid bago si Gabbi Garcia. Na-link noon si Ashley kay Juancho Trivino na nali-link ngayon kay Maine Mendoza.