By Rowena Agilada
TWENTY something na si Iñigo Pascual at ayon sa ama nitong si Piolo, balak na niya itong bigyan ng kapatid. Ani papa P, gusto niyang bigyan muli ng apo ang kanyang mommy Amelia. Pero ito ay kapag 50 years old na raw siya.
Piolo is 41 years old now at still very much single. Aniya, wala siyang sex life o love life. Hindi ba siya natatakot na baka mapaglipasan siya ng panahon? “Marami pa akong gustong gawin sa buhay. I don’t feel old naman. Age is nothing,” he said.
Sobrang busy si Piolo, kaya set aside muna ang personal life. Bukod sa pagiging actor-producer, aktibo rin siya sa pag-join sa marathon. Mahilig din siyang maglaro ng badminton. Katunayan nga nagkaroon siya ng bone injury recently dahit dito.
Pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na uminom ng collagen drink. Pinili niya ang My Daily Collagen dahil aniya, sakto sa panlasa niya ang mango flavor nito.
More than a month na siyang umiinom nito bago matulog sa gabi. Aniya, bukod sa bone strengthening ito, nakakapagpahimbing pa ng tulog.
“May protein ito na kailangan ng ating katawan. It may increase energy levels, may fasten recovery from intensive workouts, may reduce joint pains, may help rejuvenate skin to look younger,” ani Piolo.
Di inisip
May mga ibinahagi si Piolo tungkol sa daily activities niya sa isang pagtitipon. Usually daw, tulog na siya ng 10 p.m.. Six to eight hours ang tulog niya at pagkagising niya sa umaga, nagdadasal siya at nagbabasa ng Bible.
Pagkatapos ay nagsa-shower siya, then nagwo-work-out. Pagkatapos ay nagbe-breakfast siya. After, go na siya sa work.
Ayon kay Piolo, he never thought na magiging artista siya. Hindi rin daw niya naisip na guwapo siya. “Ang nanay ko lang ang nagsabing pogi ako (laughs). There are days na feeling pogi ako. There are days, feeling pangit ako,” he said.
Bago siya matulog sa gabi, naghihilamos siya ng mukha with soap and water. Then, naglalagay siya ng moisturizer. As much as possible, he stays away from the sun. He drinks lots of water.
Payo niya sa mga fans: “Be humble. Enjoy life with your loved ones. Be active. Eat and live healthy. And perhaps, drink healthy na rin.”