By Delia Cuaresma
Nakakatuwa ang guest appearance ni Anne Curtis sa 7th year anniversary presentation ng “Gandang Gabi Vice” nitong Linggo.
Dito kasi, first time umamin si Anne na gaya ng karamihan nakikipag ‘MOMOL’ (make-out make out lang) din siya sa kotse nu’ng kabataan niya.
“Siyempre,” pag-amin niya. “During our youth…masaya kaya siya.”
Hindi naman daw siya lantaran kung makipag-MOMOL dahil sinisigurado niyang “tinted” ang salamin ng kotse.
Pero nilinaw ni Anne na hindi siya lumagpas doon.
Nu’ng tinanong nga siya ng show host na si Vice Ganda ng “Have you done it inside a car?”
Isang emphatic na “No” ang sagot ni Anne kahit nang kinulit siya ni Vice at tanungin ng, “Eh sa parking?” Tawa lang sagot ni Anne.
Pero umamin siyang madalas sa kotse niya inaaway ang mga ex niya dati.
Ang most memorable raw nito ay nang mahuli niyang may ibang babae ang ex niya.
“Bumaba talaga ako, (sabi ko) “I’m walking!’
Marami pang nakakatawang eksena sina Anne at Vice sa segment na iyon. Kasama na ang pagsayaw sa kalye at pagkain ng kwek kwek at balot.