By Delia Cuaresma
Isa sa mga sumisikat na comedians ngayon si Jobert Austria.
Madalas siyang makita sa TV dahil regular siya sa mga ABS-CBN shows na “Home Sweetie Home” at “Banana Sundae.”
Nguni’t hindi lingid sa karamihan na bago niya marating ang kasalukuyang tagumpay, marami ring pinagdaanan pagsubok si Jobert, kasama na rito ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Napabalita pa nga ang diumano’y pagwawala nito noong 2014, na humantong sa muntikan nitong pagtalon sa isang gusali.
Umamin din naman ang komedyante sa kanyang kapalaluan.
Aniya sa isang PEP interview, “Ga-ling sa walang-wala ‘tapos biglang nagkaroon… nagkapera ka, masarap ang buhay, minsan napapariwara ka. Napupunta ka sa ibang barkada, eh. Sumasama ka sa mali, kaya ayun, (nagka)mali nga ako.”
Pero klinaro niya na noon iyon at nagbago na nga raw siya ng tuluyan.
Sey niya, “Natuto na ako, ngayon namimili na ako ng kaibigan.”
Dagdag pa niya, “Pinagmamalaki ko ‘yun, isa siguro sa achievement ko ‘yung nagbago ako…”
Pero ano itong narinig naming na yumabang na daw itong si Jobert? Diumano’y mapili raw ito sa mga nagpapa-picture na mga fans. Kung sino lang daw gusto, siyang pagbibigyan. Ang siste pa, dapat sabay-sabay daw para isang pitik na lang sa buton ng camera. Hmmm, sana nga tsismis lang.