By Robert Requintina
Punong-puno man ng tension ang mga eksena nila Megan Young at Katrina Halili sa top-rating Kapuso teleserye na “The Stepdaughters” pero good friends pa rin silang dalawa.
Sinabi ni Megan, 28, wala silang alitan ng kanyang co-star na si Katrina sa naturang teleserye kahit opposite ang kanilang mga character.
“Okay kami ni Katrina. What I love about her is naturuan niya ako para mandaya ng sampalan na scenes, hahablutin ang buhok. I can even go to somebody right now and go like that pero hindi siya masasaktan kasi may tricks. Tricks of the trade and it’s really fun working with her,” ayon kay Megan.
Dagdag pa ng dating Miss World, marami siyang natutunan kay Katrina sa kanilang mga matitinding eksena.
“Yung mga dayang sampal, akala nila sobrang nasasaktan na kami. Hindi lang nila alam na hindi naman tumatama ang mga kamay namin sa mukha,” sabi ni Megan.
“So ‘yung mga dayang ganun, ‘yun ang mga nakakatawang nakuha kong tricks. But other than that, she is the sweetest celebrity that I’ve worked with. Walang sugar coating ‘yun just because we are working together. She’s one of the kindest person that I’ve worked with,” dagdag pa niya.