By Delia Cuaresma
Inamin ng magandang aktres na si Bela Padilla na medyo nangamba siya nang tinawag siyang “liberated” nang isang netizen.
Aniya, may iba kasing connotation ang term sa kanilang household, lalo na nang nagdadalaga pa lang siya.
Pero okay na rin daw dahil ngayon, mas nauunawaan na niya ang meaning ng salita.
“I checked out what it really means and yes, I am free from social conventions and traditional ideas,” sey niya sa isang post.
Sa katunayan, nagre-reflect nga daw ito sa mga trabaho niya.
Ani Bela, “I accept roles that are not always the typical damsel in distress who cries over everything… I love my weird films and strong independent characters too.”
Pero kung sa ibang bagay naman daw ihambing ang pagiging liberated niya, katulad ng paglabas-labas at minsanang pag-inom, sey niya, “I’m 27. I can do these things.”
Aniya, umiinom lang siya “only when I have a driver to take me home.”
At kung bumabiyahe malayo mag-isa ‘wag daw ito problemahin dahil wala siyang ini-istorbong ibang tao para dito.
“I paid for those. I’ve never asked anybody else to pay for my trips. And at 27, this is quite long overdue.”
So para sa mga nagsasabing liberated siya at bad influence sa iba, buwelta ni Bela, “What could possibly be wrong about being a woman who is free to express herself through her art and makes a decent living enough for her to enjoy and see the world?”
“If liberated means: happily living life in a clean, modest way when i’m not at work then by all means…call me liberated .”
O, hirit pa kayo?