By Delia Cuaresma
Sikat na nga ang teen actress na si Kyline Alcantara, salamat sa magaling niyang pag-arte sa patok na seryeng “Kambal Karibal.”
Of course, kilala rin si Kyline bi-lang magaling na mang-aawit.
Pero ang hindi alam ng marami, sa likod ng tagumpay niya ay isang mapait na kuwento.
Alam niyo bang lumaki siyang hiwalay sa ama na akala niya ay nagtratrabaho lamang sa malayo?
Ito nga ang dahilan kung bakit nagpursige siyang maging isang artista. Naniwala siya na kung kumikita rin siya, hindi kailangan ng tatay niyang lumayo sa kanila.
Pero hindi naging madali kay Kyline ang pagpasok sa mundo ng showbiz. Marami siyang pinagdaanang pagsubok.
Sa gitna ng paghihirap, nalaman ni Kyline ang totoo: hiwalay ang nanay at tatay niya dahil sa diumano’y pambababae ng huli.
Naku, mapatawad pa kaya ni Kyline ang ama?
Isasadula ang buhay ni Kyline sa episode ng “Magpakailanman” na eere mamaya pagkatapos ng “Pepito Manaloto.”
Note si Kyline mismo ang gaganap dito.
Makakasama niya sina Tina Paner, Jay Manalo, Paolo Gumabao, Karlo Duterte, Eliza Pineda, Caprice Cayetano, Bruce Roeland at Bryce Eusebio.