By Kate Javier
Tinatayang nasa P626,400 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang teenager, sa magkahiwalay na anti-drugs operations sa Caloocan City nitong Huwebes ng umaga.
Nadakip ng mga ahente ng Northern Police District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) si Mariam Jabibon, 49, sa isang buy-bust operation na inilunsad ng team dakong 7 a.m. sa Samsom Road, Barangay 76.
Inaresto si Jabibon matapos niyang iabot ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 sa isang undercover cop.
Ayon sa police, na-recover kay Jabibon ang dalawang packs ng shabu na naglalaman ng humigit-kumulang na 100 grams worth P500,000.
Nadakip din ng team sina Melvin Melgar, 34, at Marjon Abella, 18, matapos nilang magbenta ng shabu sa police poseur-buyers sa tapat ng isang supermarket sa Samson Road.
Nakuha kay Melgar ang dalawang heat-sealed plastic packs na naglalaman ng hinihinalang shabu na may halagang P26,000; habang nakumpiska naman kay Abella ang P100,400 shabu, ayon sa police.