By Delia Cuaresma
Balik showbiz na ang hot momma na si Andi Eigenmann.
Gagampanan niya ang role ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa pelikulang “Maid In London.”
Kasama niya rito si Matt Evans.
Matagal ring nagpahinga sa showbiz work ang single mom.
Nakabase na ito ngayon sa Baler, isang lugar na gustong-gusto niya dahil sa magagandang beaches roon.
Paglilinaw ng aktres, hindi niya tinatalikuran ang pag-aartista.
Naging mapili lang siya sa mga proyekto.
“I said ‘I wanted to quit and get out of the showbiz life’ but it didn’t (mean) quit the life of an actor,” dagdag ni Eigenmann.
So, tuloy tuloy na kaya ito?
“If ever po may offers para gumawa ng certain na pelikula, game naman po ako para doon,” sey ni Andi.
Huling napabalita si Andi nang mag-post ito ng good vibes message sa social media ukol sa tatay ng kanyang anak na si Ellie.
Inamin ni Andi na maayos na sila ni Jake Ejercito.
“We went through so much in the past… we were young. (But) we (have) definitely grown past that and I can say that we really have a good partnership and I’m so proud of us,” ani Andi.
Oh? Eh di, all’s well that ends well, right?