By Rica Cruz
Hi Ms. Rica,
Pwede ninyo po ba akong tulungan? Nakalubog po kasi iyong nipples ko. May paraan po ba na mapa-out siya? Regular ko na po siyang mina-massage pero hindi po siya nagis-stay out.
Minsan po sina-suck na lang siya ng boyfriend ko. Gusto ko po sanang mapaayos siya kasi feeling ko po parang may mali kung lubog iyung utong. Thank you.
Introvert
Hi Introvert,
I understand na feeling mo may mali sa iyong inverted nipple. But I do hope na after reading this you will not feel awkward about it anymore. Sa totoo lang, some people may actually find them cute kasi parang nakatago or nahihiya. Tapos pag minassage mo or na-stimulate mo na, lumalabas, makahiya style!
Anyway, I want you to know that it this is common and a lot of people share your condition with inverted nipples. Kadalasan ay wala namang mali sa pagkakaroon nito.
Ang pagiging lubog ng utong ay maaring permanent or temporary. Sa iyong pagkakakuwento, I can say na it is only temporary because during stimulation (massage or sucking) lumalabas naman siya. Mayroong iba na kahit pisilin ang areola upang palabasin or palitawin ang utong, hindi ito lumalabas.
Sa mga ganung pagkakataon, pwedeng permanent ang inverted nipple at kailangan itong operahan. Usually, inverted nipples ay nagiging problemalang kung nagbre-breastfeed dahil mas madaling kumapit ang baby na dumedede sa erect na utong.
Kung ang utong ay biglang lumubog later in life, pwede itong maging simptomas ng Paget’s disease of the breast. Ito naman ay nakikita sa mga babaeng nasa 50s na ang edad. Rare form ito ng breast cancer kaya magandang ipakonsulta ito sa isang medical doctor.
Kung ngayon ay na-bobother ka pa rin tungkol dito, baka mas makatulong sa iyo na kumunsulta na ngayon pa lang sa doctor.
Mayroon bang sinasabi ang boyfriend mo tungkol dito? Kung wala naman, at hindi naman siya nakakagambala sa inyong intimacy, hindi ka rin kailangan ma-bother tungkol dito. Baka maaari ninyong gamitin ito ng iyong partner for more fun sa foreplay or during sex, di ba? I hope this helps! #takeitfromthesexymind.
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.