By Alex Calleja
Ang column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
•
Hi Alex,
Malapit na akong mag-birthday at malamang na may cake na naman. Maglalabinglimang taon na po ako. Interesado akong malaman kung bakit po hinihihipan ang kandila kapag may birthday?
Missy ng Makati
Hi Missy,
Hinihihipan ang kandila kasi mahirap hipan ang cake, masyadong mabigat! Happy birthday sayo!
•
Hi Alex,
Ano po ba ang dahilan at nagsuntukan ang Australia at Philippines sa basketball ng nakaraang Monday?
Dondie ng Imus
Hi Dondie,
Nagsuntukan sila kasi hindi sila nagkaintindihan! Hindi nakakaintindi ng Tagalog ang mga Australyano at hindi naman nakakaintindi ng Australian ang mga Pinoy! Ayun, gulo! Pero ito ang sigurado ako, mahihirapan tayong makakuha ng Australian Visa! Gilas, relax lang, ang puso niyo!
•
Hi Alex,
Twenty five years na kaming kasal ng mister ko at gusto ko ulit magpakasal sa simbahan. Sinabi ko sa mister ko at ang sabi niya, gastos lang daw! Ano ba ang gagawin ko?
Menchu ng Libertad
Hi Menchu,
Magpakasal ka sa iba! Yung mister mo, kunin mong bestman! Tignan mo kung anong reaksyon! Siguradong papayag na yan na magpakasal kayo!
•
Hi Alex,
Kakapanganak ko lang po at kasalukuyang breastfeeding ang ginawa ko sa aking baby. Gaano po ba katagal magpa-breastfeed at paano ko malalaman na dapat ko ng tigilan ang pagpapabreastfeed sa baby ko?
Tanya ng Alabang
Hi Tanya,
Ano madalas na maririnig mong payo ay kapag may ngipin na ang anak mo dahil masakit na ang pagpapa-breastfeed. May idadagdag pa ako. Dapat mo ng tigilan ang pagpapa-breastfeed kung naglalakad na ang bata o kaya ay gragraduate na siya sa elementary! Dapat mo na rin tigilan ang pagpapa-breastfeed kung umiiyak na sa gabi ang mister mo dahil nakakalimutan mo na siya!
•
Hi Alex,
Mahilig akong kumain ng alimango. Kapag bumibili ako, tinatanong ako ng tindera kung ang gusto ko ba ay lalake, babae o bakla? Paano ba malalalaman ang alimangong lalake, babae at bakla?
Gina ng Cubao
Hi Gina,
Mas madaling malaman kapag buhay. Kapag lalake, macho kung maglakad, kapag babae, mahinhin, kapag bakla, kumekembot!
•
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007