Bagama’tmaraming pumupuna sa kanyang hitsura, hinding hindi raw magpaparetoke si Juliana Parizcova Segovia, ang nanalong Miss Q & A 2018.
Aniya sa interview with DZMM, “Ito ‘yung nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon kaya dito lang siya, ganyan lang.”
Malaki-laki rin ang premyong naiuwi ni Juliana, kasama na ang retoke package na nagkakahalagang R500,000.
Nguni’t kahit pustiso ay hindi raw siya magpapagawa.
“Since nagsimula ‘yung career ko dito na ganito (ang mukha ko) so im-maintain ko na lang ‘tong ganito… kasi ito na ‘yung nagdala sa akin sa tagumpay. Malayo pa ‘yung mararating ng mukhang ‘to e,” diin niya.
Kung may pagkakagastusan man daw ang reigning Miss Q & A ito ay ang mapauwi ang kanyang ina na may 24 years nang nagtratrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong.
“Sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko na pagtatrabahuhin si mama sa abroad, though gusto pa niyang umalis ulit. Sabi ko huwag na. Alam ko na responsibilidad ko. Alam ko na ‘yung dapat kong gawin,” sabi niya.
Aminado si Juliana na dati rin siyang nahirapang ipaunawa sa sariling mga magulang ang pagiging bakla niya.
Bilang Mss Q & A 2018, gusto niyang ipaabot sa mga ibang magulang na dapat matutunan nilang tanggapin ang kasarian ng kanilang mga anak.
Ulila na sa ama si Juliana. Sumakabilang buhay ito dulot ng liver cancer noong siya ay bata pa.
Ngayon nga na nagsisimula nang gumanda ang buhay niya, naniniwala si Juliana na walang imposible sa mundo.
Para sa mga katulad niya na may gusto ring marating sa buhay, payo ni Juliana, “Just follow your heart.” (Tria Corpuz)