Marami ang natuwa sa balitang natapos na raw ni JM de Guzman ang tatlong taong pagsasailalim niya sa rehabilitation program nitong nakaraang Sabado.
Saksi ang pamilya ng “Araw Gabi” star sa pagtatapos niya sa SELF Treatment, Rehabilitation & Value Formation Program.
Ginanap ang graduation ceremonies sa Sacred Heart Auditorium, SELF Taal View House, Talisay, Batangas.
Nag-post sa Facebook ang kanyang amang si Ronniel de Guzman ng ilang larawan na kuha sa ginanap na pagtatapos ng anak.
Sumailalim sa voluntary rehab si JM ilang taon matapos siyang mag-relapse sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sana nga tuloy-tuloy na ito.
Congrats, JM! (Delia Cuaresma)