By Rica Cruz
Hi Ms. Rica,
I am in my twenties and I just came out as a lesbian last year. Ngayon po ay meron na akong partner. Parehas po naming first ang isa’t-isa. Mahilig din po kaming magbasa ng stories about gay relationships. Meron akong nabasa tungkol sa safe sex between two women. Hindi po namin masyado naisip about it until nabasa ko sya. Parang kulang din ang information about safe sex between two women. Pwede po bang paadvise?
Salamat!
Half Pandesal
Hello to you Half Pandesal,
Congratulations sa iyong pag-out about your sexuality. It takes courage and confidence to do that especially in our conservative culture.
Nakakatuwa din that you are asking me dahil common misperception na walang risk ang sex between female partners. Mas mababa ang risk ng sexually transmitted infection between women partners compared sa mga straight and bisexuals, pero siyempre, maganda pa rin ang pagpapractice ng safe sex.
Ang infection ay maaaring maipasa through skin-to-skin contact, vaginal fluids or menstrual blood at kung gumagamit kayo ng toys na shine-share niyo between the two of you. Habang mababa ang possibility ng mga sakit kagaya ng gonorrhea, hepatitis B, syphilis or HIV sa mga exclusive female relationships, mataas naman ang risk ng Bacterial vaginosis, Chlamydia, Genital Herpes, Human papillomavirus (HPV), Pubic lice or Trichomoniasis.
Always make sure that you wash your hands and fingers before contact if you will use your hands and if you are to switch between anus and vaginal penetration, mabuting maghugas in-between the switch. Parehas din sa mga sex toys na inyong gustong i-share sa isa’t-isa. Pwede din kayong gumamit ng condom for fingering or with your sex toys. Mainam din na siguraduhing hindi matalas ang kuko at malinis ang mga ito (walang natatanggal na nail polish) para hindi makasugat o kaya maging sanhi ng sakit.
Maraming tools and materials that you can use to limit contact ng skin and fluids na pwedeng maglagay ng risk sa inyong sexual relationship. Kalimitang ginagamit ang tinatawag na dental dam, o parang sheet ng latex na ipinapatong sa vulva. Kung wala kayong makuhang dental dam, pwede rin namang gumamit ng plastic wrap na mabibili sa mga grocery store.
Magandang pag-usapan ninyo kung saan kayo magiging komportable at masaya. Makakatulong din to have yourselves regularly checked by your doctors para kung ano man ang maging sakit ay maagapan or malunasan! Other than those, continue exploring each other, Half Pandesal! #takeitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.