By Rowena Agilada
May “amnesia” ang isang young singer-actress (SA). Ayon sa isang talent manager (TM), ilang beses na siyang ipinakilala sa SA ng big boss ng talent agency nito, pero sa tuwing magkikita sila ng SA, parang first time lang sila nagkakilala ng TM.
Hindi mare-call ng SA ang face pati pangalan ng TM. Paborito pa naman ng TM si SA at pinapanood ang mga concert nito.
Sa huling concert ni SA, bibigyan sana ng big boss ng talent agency nito ng ticket si TM. Pero tumanggi ito at sinabing never na siyang manonood ng concert ng SA na may “amnesia.”
Ayon naman sa isang kilala at respetadong entertainment editor, noong baguhan pa lamang ang SA ay magiliw itong makiharap sa press people. Nang sumikat, nag-iba ang ugali. Hindi na palabati at nag-iinarte na sa pagsagot sa mga tanong ng press.
First movie
First movie ng Hashtag member na si Ryle Santiago ang “Bakwit Boys,” entry ng T-Rex Entertainment sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula sa Aug. 15 to 21. Graded A ito ng Cinema Evaluation Board (CEB) , mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Tampok din sa romantic-musical movie na ito sina Devon Seron, Vance Larena, Mackie Empuero at Nikko Natividad.
Ani Ryle, happy siya na nakapasok sa PPP ang first movie niya. “Ipinagdasal ko talaga ‘yun,” he said sa presscon ng “Bakwit Boys.”
Evacuate ang ibig sabihin ng bakwit na tawag sa mga nag-evacuate sa Marawi City.
Dalawang pelikula pa ang nakatakdang gawin ni Ryle under T-Rex Entertainment. “Billie and Emma” with Gabbi Garcia at “Baka Bukas” with Jasmine Curtis-Smith.
Ex-girlfriend ni Ryle si Barbie Imperial na aniya, friends pa rin sila. May mga bagay daw na hindi nila mapagkasunduan, kaya nag-break sila. More than a year ang naging relasyon nila.
Anak si Ryle ng aktres na si Sherilyn Reyes sa ex-husband nitong si Reily “Junjun” Santiago, kapatid nina Randy, Rowell at Raymart Santiago.
Balik-eskuwela
Nakakaramdam na ng separation anxiety si Yasmien Kurdi sa nalalapit na pagtatapos ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” More than six months niyang nakatrabaho ang co-stars at production staff, kaya mami-miss niya ang mga ito.
Balik-eskuwela si Yasmien at nag-aaral siya ng Political Science sa Arellano University. Nag-aral din siya ng Nursing, pero hindi niya natapos.
APEKTADO
Nasaktan pala ang aktres na si Sue Ramirez matapos tila ma-objectify dahil lang sa pagpo-post sa social media nang mga photos niya na naka-swimsuit.
“Nu’ng una parang natuwa ako kasi ang daming nag-like, na-appreciate nila ‘yung pagpipigil ko ng kain,” aniya.
Na-disturb daw siya kalaunan nang nakatanggap na ito ng malalaswang komento.
“Kasi ako hindi ko siya tinitignan na something sexual, hindi naman kasi ako ma-malisyang tao, kasi ‘diba everybody naman has a body?”
Ang pinakamasakit daw sa lahat ang sabihan siyang malandi dahil sa ginawa niya.
“Malandi daw ako kasi naka-two-piece ako. Wow! Okay, sige. Thanks po,” aniya.
Pero, in the end, hindi na lang ito pinatulan ni Sue.
“Wala, e. Wala naman na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin. We could only hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para may mas maganda silang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin.”
Our take? Better nang may pumapansin kesa wala, Sue.
GALIT
Kung ang veteran actor na si Bembol Rocco ang masusunod, ayaw na raw niya makatrabaho ang premyadong film at SoNA director na si Brillante Mendoza.
Tila galit na galit si Bembol kay Brillante. Kinumpara pa nga niya ang director kay Adolf Alix Jr. Na huli niyang nakatrabaho sa “Madilim Ang Gabi (Dark Is The Night).”
Aniya, “Di hamak naman na okay kay Adolf kung kay Brillante lang.”
Siyempre tinanong namin siya kung bakit.
Ani Bembol, “Huwag na. Lalalim, e…”
Ang siste pala, hindi nagustuhan ni Bembol ang experience niya nang makatrabaho niya si Brillante sa pelikulang “Thy Womb” noong 2012. Kasama niya roon si Nora Aunor.
Bottom line?
“Pakiramdam kasi ni Brillante siya na ang pinakamagaling, e!”
Would he be willing to work again with Brillante?
“Ayoko namang magsalita nang patapos, pero sa ngayon, pass na muna. I’d rather not.”
Oh, well.