By DELIA CUARESMA
Inakupo!
Ano itong narining namin na ginagamit daw sa set ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” ang family picture nina Dingdong Dantes at Marian Rivera?
Worse, kasama pa raw ang imahe ng menor de edad na anak ng couple na si Zia?
Naku ha?
Alam kaya ni Coco Martin ito?
Kung hindi pa, I’m sure malalaman na niya ito in the couple of days.
Why? Well, nag-react na raw kasi si Dingdong mismo rito.
Apparently, na-screenshot ng isang fan ang said scene wherein they used the Dantes’ family photos.
According doon sa nag-post, since last year pa daw ito ginagawa ng “Ang Probinsiyano.”
Nag-react lang daw siya kasi pangalawa na ito.
Ang sagot naman ng poster na si dongdantes, “Thank you for pointing this out. I will take it from here.”
Kung ang Kapuso actor nga itong nag-reply doon sa post, giyera na ba ito?
Let’s wait and see.