By ROWENA AGILADA
NAGING mag-MU (mutual understanding) pala sina Toni Gonzaga at Sam Milby. Inamin ito ni Sam sa “Tonight with Boy Abunda.” Tinanong kasi si Sam ni Boy Abunda kung niligawan niya si Toni. Aniya, hindi sila naging officially together ni Toni, nag- MU lang sila.
Common knowledge na niligawan din ni Luis Manzano si Toni. Pero binasted siya. ‘Buti pa pala sina Sam at Toni, nag-MU. Si Luis, na-friend zone kay Toni.
Haba naman ng hair ni Toni. Two good-looking guys ang na-attract sa kanya. Pero si Direk Paul Soriano ang nagwagi sa puso ni Toni. In all fairness, pogi si Direk Paul, huh!
Joke nga ni Alex Gonzaga, ano raw ba ang nakita ni Direk Paul sa Ate Toni niya? May bashers si Toni na pinipintasan ang mga mata niya. Kesyo, banlag o duling daw siya.
Ayon kay Alex, pinatingnan nila sa optalmologist ang eyes ni Toni. Hindi naman daw siya banlag o duling. Magkalapit lang daw ang mga mata niya. Hindi naman big deal ‘yun kay Toni. May maganda siyang career. Happy wife, happy life siya. Saan ka pa?
Hindi pa
Hindi pa bubuwagin ang KathNiel love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Worried ang kanilang fans dahil sa upcoming movie ni Kathryn with Sharon Cuneta and Richard Gomez titled “Three Words To Forever” ay hindi kasama si Daniel. Anang fans, baka raw senyales ‘yun na paghihiwalayin na ang KathNiel love team.
Super excited si Kathryn na maka-work sina Sharon at Richard. Si Cathy Garcia-Molina ang direktor na direktor din ng “The Hows of Us” na upcoming movie nina Kathryn at Daniel under Star Cinema.
Ayon kay Kathryn, gusto rin ni Daniel gumawa ng isang project na hindi siya kasama. Pero hindi ibig sabihin na mabubuwag na ang love team nila. May gagawin pa rin silang projects na magkasama sila. So, there!
Ayaw na
Ayaw na munang tumanggap ni Martin del Rosario ng gay role after “Born Beautiful.” Ayaw niyang ma-type cast sa ganu’ng role. Gusto niyang mag-explore sa iba’t ibang klase ng karakter.
Type ni Martin ang role niya sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na astig, maangas at tipong bad boy ang karakter niya. Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA series, bumait na siya, pero astig at palaban pa rin.