By DELIA CUARESMA
MAG-A-ARTISTA na nga kaya muli si CJ Ramos, ang dating child star na nahuli sa isang drug operation kamakailan lang?
Diumano’y kinuha ang serbisyo niya ng sikat na TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Ayon sa kuwento, si Coco Martin mismo ang personal na nag-imbita kay CJ upang lumabas sa show.
Nagpost din kamakailan si CJ sa Instagram ng larawan nilang dalawa ni Coco.
Aniya sa caption: “Boss #cocomartin #cjramos #angprobinsyano #blessings #secondchance #thankful #salamatbosscoco @mr.cocomartin.”
Hmm, paano na ang kanyang problema sa droga?
Magpaparehab ba muna siya?
Anyway, bago pa si CJ, marami na ring natulungang personalidad ang show ni Coco, kasama na ang komedyanteng si Whitney Tyson.