By RUEL J. MENDOZA
TRUE blue Pinoy ang Hollywood actor na si Nico Santos na kasama sa all-Asian cast ng Hollywood film na “Crazy Rich Asians.”
Ginampanan ni Nico ang role na Oliver T’sien sa naturang pelikula at glittering reviews ang natanggap niya mula sa ilang film critics na nakapanood ng movie nang mag-premiere ito sa Grauman’s Chinese Theatre in Hollywood kamakailan.
Pinanganak sa Manila at nag-migrate sa Oregon state ang buong pamilya ni Nico noong 16-years old siya.
Isang openly gay stand-up comic si Nico sa L.A. at naging regular guest siya noon sa talk show ni Chelsea Handler na “Chelsea Lately.”
Naging guest si Nico sa mga US shows na “2 Broke Girls,” “Go-Go Boy Interrupted” at sa pelikulang “Paul Blart: Mall Cop 2” na bida si Kevin James.
Big break ni Nico ang ma-cast siya bilang si Mateo Liwanag, ang undocumented Fil-American store employee sa hit comedy series na “Superstore.”
Sa kanyang Instagram account, pinaramdam ni Nico ang kanyang pagiging overwhelmed sa pagkakasama niya sa “Crazy Rich Asians.”
“Still processing everything in my brain. It’s been such an intense week with this amazing movie @crazyrichasians finally coming out and filming @nbcsuperstore at the same time. I’m excited, exhilarated and exhausted in the best possible way. I’m overwhelmed with emotion. I’m so glad I was able to share this whole experience with my wonderful mom, my amazing boyfriend @zekerchief and my incredible bestie @eyancandini.”
Si @zekerchief ay si Zeke Smith, ang kauna-unahang transgender contestant ng reality competition show na “Survivor: Millenials vs. Gen X at Survivor: Game Changers.”
Dating babae si Zeke na ngayon ay lalake na.