Ni Ruel J. Mendoza
Hindi na raw kailangan pang magsulat ng kanyang libro si RS Francisco tulad nang ginawa ni Mark Bautista, dahil matagal na raw alam ng marami na certified beki siya noon pa.
“My life is an open book. Wala po akong maitatago sa inyo.
“Hindi po ako gagawa ng libro kasi ayoko namang may masagasaan akong tao or mga tao na naging ka-bromance ko.
“Ayoko pong guluhin ang kanilang isipan at pagkatao.
“Ayokong mabulabog ang buhay nila lalo na ng mga mahal nila sa buhay,” diin pa ni RS.
Muling gagampanan ni R.S. ang role ni Song Liling sa muling pag-stage ng Tony Award winning play ni David Henry Hwang na “M. Butterfly” sa Sept. 14, sa Maybank Performing Arts Theater sa Taguig.
18 years old lang noon si R.S. noong gawin niya ang play na “M. Butterly” para sa Dulaang UP noong 1990.
Sa naturang play nakilala si R.S. at natuloy iyon sa pagkakaroon ng career sa showbiz.
Aniya, “‘M. Butterfly’ was a turning point in my career in so many ways. 28 years later, nandito pa rin tayo and to play Song Liling again brings back so many fond memories.”
Dahil may nudity ang naturang play, kinailangan ni R.S. na magpa-liposuction para bumalik ang balinkinitang katawan nito para sa role na Song Liling.
“Preparing for my role as Song Liling encouraged me to eat right, work out and I even had liposuction to get rid of unwanted fats kasi baka sabihin ng director na kailangang may nude scene na naman ako like before. And I’m ready to do anything to do right in my theater comeback,” ngiti pa ni R.S.
Ang Dulaang UP ang isa sa mga beneficiaries sa kikitain ng “M. Butterfly” sa 15-show run nito.
Ang iba pang kasama sa cast ng “M. Butterfly” ay sina Pinky Amador, Olivier Borten, Norm McLeod, Maya Encilla, Lee O’Brian and Rebecca Chuaunsu.