By RUEL J. MENDOZA
NASAAN nga ba si Mike Enriquez?
Ilang linggo na kasing hindi napapanood si Kuya Mike sa news program ng GMA-7 na “24 Oras” at sa kanyang morning radio program sa DZBB.
Sa naging exclusive interview kay Kuya Mike, sinabi nito na on medical leave siya dahil nagpapagaling siya ng kanyang kidneys at sasailalim siya sa isang heart bypass operation sa September.
Heto ang kanyang official statement:
“Ako po ay kasalukuyang naka ‘medical leave.’ Ginagamot ang aking kidney at ako ay nakatakdang sumailalaim sa operasyon sa puso sa Setyembre.
“Ayon sa aking mga doctor, makaka-balik ako sa aking normal na trabaho mga dalawa hanggang apat na linggo pakatapos ng operasyon. Pinayuhan ako na magpahinga at magpalakas para makaiwas sa anumang emergency hanggang ako ay maoperahan.
“Habang wala ako sa himpapawid, patuloy kong tinutupad ang aking mga responsibilidad bilang president ng RGMA Network, Inc at bilang Consultant For Radio ng GMA Network Inc.
Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat po ako sa mga nagpahayag ng suporta at lalo na sa mga nagdarasal para sa aking paggaling.
“Magagaling at maalaga ang aking mga doctor at napaka bait at mapagmahal ng Poong Maykapal!”
“Ang pangako ko po, babalik po ako,” paniguro ni Kuya Mike.