By RICA CRUZ
Dear Ma’am Rica,
For the past three months, active kaming nagse-sex ng girlfriend ko. Hindi kami gumagamit ng condom o kung anomang contraceptive. Recently, sinabi niya sa akin na nagkaroon siya ng herpes three years ago. Ever since, wala naman na siyang nakita or wala naman na daw nangyari. Ibig sabihin ba nun, okay na talaga and fully cured na at hindi na ako magkakaroon? Salamat.
Rice Cooker
Dear Rice Cooker,
Mukhang gagamitin ko na muna ang usual ending statement ko to start my answer. Always enjoy but also, always be safe. Mas mainam pa rin lagi ang gumamit ng protection with your partner to avoid worrying about something like this. Although your partner has said na wala siyang outbreak for the past three years ng genital herpes, ang virus nito ay hindi lubusang nawawala o tumitigil na makahawa.
Ang unang outbreak ng herpes ay ang pinakamalala nito tapos ay puwedeng mas mild na o halos hindi nahalata. Pero maaari pa ring mailipat ang herpes simplex virus o HSV at iba pang sexually transmitted infection kahit na walang nakikitang simptomas. Having said that, maaari rin namang nahawa ka na ng hindi mo nalalaman.
Mainam talagang magtungo sa isang health center upang komunsulta. To ease your mind, mas mabuti na magpatest kayong dalawa.
Moving forward, maaaring maiwasan ito by using barrier method contraception like the male or female condoms. Pero dapat mo ring isipin na maaari nitong hindi macover ang lahat ng contagious areas especially kung may outbreak. Meron din namang mga anti-viral na medication that can manage herpes. Ito ay nagpapaiksi ng tagal and severity ng outbreak. Dito makatutulong ang pagkonsulta sa doctor.
Having one person with herpes in the relationship does not mean you cannot have an emotionally and sexually fulfilling relationship naman. Pero magandang pinaguusapan openly and honestly ang topic na ito kahit na it is not the most romantic na topic.
Magandang napagusapan ninyo ito ngayon. Kudos sa inyong pagiging honest sa isa’t-isa! So moving forward, to be sure, go forth and again, enjoy but always be safe. #takeitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.