By ROWENA AGILADA
DEDICATED ni Ken Chan sa kanyang father ang “My Special Tatay” na mapapanood simula Sept. 3 sa GMA Afternoon Prime. May stage 2 cancer sa esophagus ang tatay niya at nakatakdang sumailalim sa chemotherapy sessions sa mga darating na araw.
May kidney ailment din ang father ni Ken. Kahit may pinagdaraanan, sinisikap ni Ken magpakatatag. Aniya, ang father niya ang nagpapalakas ng loob niya.
Ramdam niya ang suporta nito, kaya gagawin niya lahat ng kanyang makakaya sa “MST” para maging proud ito sa kanya. Sinabi niya sa kanyang daddy na dedicated niya rito ang “MST.”
Sa show, Ken plays Boyet na may mild intellectual disability with mild autism spectrum disorder. Bilang paghahanda sa kanyang role, nagkaroon siya ng immersion, kung saan nakisalamuha siya sa mga taong may mental disability. Nag-research din siya at nanood ng mga pelikulang may gano’ng tema.
In real life, wala pang anak si Ken. Sa “MST,” father na siya. Hindi naman siya nahirapan dahil mahilig siya sa bata. Ang nahirapan siyang gampanan ay ‘yung pagiging mentally disabled ng karakter niya.
Personal choice
Si LA Madridejos ang direktor ng “My Special Tatay” na aniya, personal choice niya si Ken Chan para gumanap bilang Boyet. Wala siyang naisip na ibang Kapuso actor na puwedeng magbigay-buhay sa karakter kundi si Ken lang.
Nagkatrabaho na sila sa ilang GMA projects, kaya alam ni Direk LA ang kapasidad ni Ken bi-lang isang aktor.
Crush
Magkatrabaho muli sina Ken at Arra San Agustin sa “MST.” Una’y sa “The Cure” kung saan kinakitaan sila ng screen chemistry. Sa mediacon ng “MST,” sinabi ni Arra na gusto niya katrabaho si Ken dahil mabait at magaling itong umarte. Nakakadala raw ito sa mga eksena nila together, kaya hangang-hanga siya kay Ken.
Inamin naman ni Ken na crush niya si Arra.
Tampok din sa “MST” sina Jillian Ward, Teresa Loyzaga, Jestoni Alarcon, Bruno Gabriel, Rita Daniela, Carmen Soriano, Candy Pangilinan at Lilet.
May special participation sina Empress Schuck, Valeen Montenegro, Matt Evans at Ashley Rivera.
Abangan
Abangan ang huling episode ngayon ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka.” Tutok lang sa mga kaganapan. Umaasa si Mike Tan na bibigyan agad siya ng GMA7 ng bagong project.
Pregnant ang wife niya at kailangan niya ng trabaho.