By ROWENA AGILADA
NAG-RESIGN pala si Teresa Loyzaga sa trabaho niya sa Australia at dito na siya sa Pilipinas maninirahan. Ito daw ay para masamahan niya rito ang anak niyang si Diego Loyzaga. May isa pang anak na lalaki si Teresa sa isang non-showbiz guy. Si Cesar Montano ang tatay ni Diego.
Aniya, bilang single mom ay napalaki niya nang maayos ang mga anak niya. Pareho nang nagtatrabaho ang mga ito.
Noong nasa Australia pa sila, wala silang kasambahay. Si Teresa ang naglilinis ng bahay, naglalaba, namamalantsa, nagluluto at namamalengke.
Feeling lucky si Teresa dahil sa pagbalik niya sa Pilipinas, naka-balik-showbiz din siya. Nakakapagtrabaho siya sa ABS-CBN at GMA7 dahil wala siyang network contract.
Kasama siya sa “My Special Tatay,” bagong afternoon series ng GMA na mapapanood simula Sept. 3. In it, she plays Olivia, domineering wife ni Edgar (Jestoni Alarcon).
Tumanggi naman si Teresa pag-usapan ang estado ng relasyon ni Cesar sa anak na si Diego. No talk, no intrigue nga naman. So, there!
Nanawagan
Pagbigyan kaya ni Coco Martin ang panawagan ni Mystica na i-guest siya sa “Ang Probinsiyano?”
Seksing-seksi noon si Mystica na tinagurian pa ngang Split Queen. Magarbo ang life style niya noon.
Sa Cavite na siya ngayon nakatira at nagtitinda ng fried chicken.
Kailan lang ay napanood namin si Mystica sa isang radio-TV program. Ang layo na ng itsura niya noon at ngayon.
Pinaiyak?
Napag-uusapan na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang dream wedding.
Pero hinggil sa kung ilang anak ang balak nila, hindi pa daw.
Sa panayam kay Daniel sa “Tonight with Boy Abunda,” aniya, nahihiya siyang tanungin si Kathryn kung ilan ang gusto nilang maging anak.
Si Kathryn na talaga ang gusto niyang pakasalan bago siya mag-30 years old. “Aalagaan ko ang babaeng ito,” sey ni Daniel.
Obviously, sobrang love ni Daniel si Kathryn na inamin niyang kahit maraming beses na siyang napagod mahalin ito, never niyang inisip na iwanan ito.
Inamin din ni Daniel na minsan na siyang pinaiyak ni Kathryn. Hindi lang niya sinabi kung bakit.