By ROWENA AGILADA
SA October na ang filing ng candidacy ng mga kakandidato sa 2019 mid-term elections. Magkakaalaman na kung sinu-sino sa mga celebrities na nabalitang kakandidato ang tutuloy sa pagtakbo.
Matunog noon ang pangalan ni Dingdong Dantes. Pero may gagawin siyang teleserye with Dennis Trillo. Alin kaya ang isasakripisyo ni DD?
Pumirma naman ng panibagong kontrata si Willie Revillame sa GMA7 na nagsabing hindi niya kayang iwan ang “Wowowin.”
Balitang si James Yap ay kakandidato bilang vice-mayor o councilor ng San Juan City.
What about Agot Isidro? Tuloy kaya siya sa pagtakbo bilang senador o mayor ng Marikina City?
Enjoy!
Feeling ordinary citizen na lang ngayon si John Lloyd Cruz at mukhang nag-e-enjoy siya sa buhay niya ngayon. Pinag-usapan ang pagkain niya ng balut sa sidewalk na nai-post sa socmed.
Mukhang sarap na sarap si JLC sa pagkain ng balut na binuhusan pa niya ng suka.
May nag-post din ng picture ni JLC na nasa isang fruit stand somewhere sa Pasig City na bumibili ng durian. Lumuluwas din pala siya ng Manila na akala ng karamihan ay parati lang siyang nasa Cebu kasama si Ellen Adarna and their son.
For good na kaya ang pagiging private citizen ni JLC? Marami ang nanghihinayang dahil marami pa raw sana siyang kikitain sa pag-aartista at product endorsements kung hindi niya iniwan ang showbiz life. Desisyon niya ‘yun, kaya irespeto na lang.
Masaya
Simple living din ngayon si Andi Eigenmann sa Baler, Aurora, Quezon with her daughter Ellie. Nakikisalamuha siya sa mga ordinaryong tao roon na hindi siya pinagkakaguluhan. ‘Yung mga nakakaalam na artista siya, tinitingnan lang si Andi. “Di ba artista ‘yun?” ang tanungan nila kapag nakikita nila si Andi.
Tulad ni John Lloyd Cruz, mukhang hindi rin hinahanap-hanap ni Andi ang kislapan ng mga kamera. Isang surfer ang bago niyang boyfriend.
Panalo
Panalo ang finale episode ng “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” last Friday (August 31). Nakapagtala ito ng 8.2% sa rating versus “Precious Hearts” (5.4%). Congratulations sa HKKIK cast and production staff