By Ruel J. Mendoza
Nakaka-relate si Candy Pangilinan sa kuwento ng “My Special Tatay” dahil ang kanyang 14-year old son na si Quentin ay isang special child.
Na-diagnose si Quentin with Autism and ADHD (Attention Deficit Hyperactivity Disorder) noong 9 months old pa lang ito.
Naglabas si Candy ng isang book titled “Mother Dear: Our Special Love” na tungkol sa kakaibang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak na may special needs.
“Yun naman ang kailangan talaga, pagmamahal at pag-uunawa.
“Para sa akin, blessing na dumating si Quentin sa buhay ko kasi mas naging motivated tayo sa buhay.
“Natuto rin tayo na hindi lang isipin ang sarili natin, kundi mas unahin natin ang needs nila.
“Ngayon, marami nang nagagawa ang anak ko. Mabilis siyang makapag-memorize, nakaka-interact na siya with many people sa paligid niya and he makes me proud to be his mother.
“Tayo naman, bilang ina, lahat gagawin mo, ‘di ba? Magsisipag ka dahil para ito sa kinabukasan niya.
“I am inspired sa ibang kuwento ng mga parents who has special children. Sana maging inspiration din kami ni Quentin sa iba pa.”
Kaya naman hindi priority ni Candy ang magkaroon ng boyfriend dahil mas importante ang mga pangangailangan ng kanyang anak.
“Gano’n talaga, ‘di ba? May mga choices ka sa buhay at dapat happy ka sa napili mong iyon.
“I choose to prioritize my son because I want to provide everything that he needs. Kahit na kaming dalawa na lang sa mundong ito, okey lang.
“Ang mga lalake naman, nandiyan lang naman sila. Hindi naman tayo mauubusan.
“I tried going out on dates before, pero wala talaga doon ang focus ko,” diin pa ni Candy.
Pinuri ni Candy ang pag-arte ni Ken Chan sa “My Special Tatay” kun saan gumaganap ito na may Mild Intellectual Disability with Mild Autism Spectrum Disorder.
“Ang galing ng batang ‘yan. Kuhang-kuha niya ang character niya. Nakikita ko na pinag-aralan niya ng mabuti bawa’t kilos ng character niya.
“Marunong siyang magbigay at tumanggap. ‘Yun ang importante sa isang aktor.”