By ROWENA AGILADA
UMINIT ang ulo ni Willie Revillame noong natuklasan niya ang modus operandi ng isang grupo ng studio audience sa programang “Wowowin” noong Tuesday episode nito.
Nalaman niya na isang lola sa labas ng studio ang kinuha ng grupo para palabasing kasama nila. Pumayag ang lola dahil gusto lang nitong magkaroon ng jacket.
Nang tanungin ni Willie kung kilala ba nito ang mga kasama, hindi, sagot ng lola.
Tinanong ni Willie ang grupo kung sino ang nag-book sa kanila para makapasok sa studio. A certain Susan daw. Nang tanungin ni Willie kung nasaan ito, walang maituro ang grupo.
Anang TV host, illegal ang kanilang booking dahil dapat sa email magpa-book at dapat ay kasama ang booker kapag nabigyan ng schedule makapasok sa studio.
Ani Willie, ginagawang racket ang “Wowowin” para makasali sa mga contest at maghahati sa premyo kapag nanalo. Sa labas pa lang ng studio ay may anomalya na. May mga nagbebenta ng t-shirt na aniya, hindi nagbebenta ang “WWW.”
Paiimbestigahan niya ang mga anomalyang nangyayari sa “WWW.” Tinuldukan na rin ni Willie ang mga haka-hakang kakandidato siya sa 2019 mid-term elections. Hindi niya kayang iwanan ang “WWW,” kaya ayaw niyang mag-pulitika.
Nagkikita muli
Ano na kaya ang nangyari sa friendship nina Kris Aquino at Atty. Gideon Pena? Dati’y panay ang post ni Kris sa socmed ng mga kaganapan sa namamagitang friendship nila.
Nali-link ngayon si Atty. Gideon kay Gretchen Ho. Ayon sa isang informant, may mga pagkakataong nakikitang magkasama ang dalawa . Hindi naman daw masasabing they’re dating dahil grupo sila.
Samantala, ang ex-boyfriend ni Gretchen na si Robi Domingo naman is now dating a non-showbiz girl. Naka-recover na siya sa break-up nila ni Gretchen.
Sa isang event recently ay magkasama silang nag-host. Nagkikita rin sila once a week para sa isang project ng ABS-CBN.
Good job
Hindi nagkamali si Direk LA Madridejos sa pagpili kay Ken Chan para gumanap bilang Boyet sa “My Special Tatay” na may mild intellectual disability. Mahusay naitatawid ni Ken ang karakter niya. Hindi over-acting, hindi pilit at kapani-paniwala ang ipinapamalas ni Ken. Good job. Keep it up, guy!
“MST” airs Monday to Friday sa GMA Afternoon Prime.