HINDI kapani-paniwala pero mahilig kumain ang seksing si Kim Domingo.
At hindi niya itinatago ito, huh?
Sa katunayan, pino-post pa ni Kim sa Instagram ang mga litrato ng pagkain na kinakain niya.
Minsan naman, kahit video mismo niya na kumakain ang pino-post niya.
Base sa mga posts niya, tila walang pinipiling kainin si Kim.
Ang hilig pa nga niya sa karne at maa-alat na pagkain!
Swerte pa rin siya, though.
Kahit matakaw si Kim mabilis naman ang kanyang metabolism at hindi siya basta-basta tumataba.
Yes seksing-seksi pa rin siya at 121 pounds, na akma lang naman sa height niya na 5’7”. (Delia Cuaresma)