By ROWENA AGILADA
MAY anniversary concert si Sharon Cuneta sa Sept. 28 kaugnay ng 40 years niya siya sa showbiz. Kung tama kami, September din ang wedding anniversary nila ni Gabby Concepcion. Sayang lang at nagkahiwalay sila.
Bongga sana kung mag-ge-guest si Gabby sa anniversary concert ni Sharon. Malabong mangyari dahil ‘yun ngang reunion movie nila’y naudlot.
Nang tanungin ang aktor sa set ng “Man & Wife (Gulong ng Palad)” kung pwede siyang mag-guest sa anniversary concert ng kanyang ex-wife, aniya, may concert series siya sa Canada on Sept. 27-28 and Oct. 5-6. May US shows din siya. Joke niya, napupuno ang shows niya dahil puro mga kamag-anak niya ang nanonood.
Cool dad
Sakaling mag-desisyon si KC Concepcion na magpapakasal na sa French boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart, hindi tututol si Gabby Concepcion. Aniya, nasa edad na ang anak niya.
Hindi pa niya nami-meet personally si Pierre, pero mukha naman daw mabait ito. “Basta happy si KC, happy din ako,” ani Gabby nang nakausap namin sa last shooting day ng “Man & Wife (Gulong ng Palad)” sa Alabang.
May boyfriend din ang isa pang anak ni Gabby na si Garie na anak niya kay Grace Ibuna. Okey din kay Gabby kung gusto nang magpakasal ni Garie kay Michael Pangilinan.
Hindi siya nakikialam sa lovelife ng mga anak niya. “May mga edad na sila at sariling buhay. Basta kung saan sila maligaya, sige lang,” anang aktor.
Ang hindi nakikita ni Gabby ay si Chloe Syquia na anak niya kay Jenny Syquia. May isa o dalawa pang anak na babae si Gabby sa non-showbiz wife niya.
Pakawala?
Kering-carry ni Rita Daniella ang role niya sa “My Special Tatay” na tila pakawala. Kung anu-anong kalokohan ang itinuturo ng karakter niya kay Ken Chan (as Boyet).
Nakakainis na nakakaawa ang karakter ni Rita bilang Aubrey. Pumatol siya sa isang lalaking may-asawa sa pag-aakalang mahal siya nito. Sinugod siya ng asawa nito at iniwan siya ng lalaki. Hinahabol pa rin ito ni Aubrey dahil nabuntis siya nito.