By RICA CRUZ
Dear Ms. Rica Cruz,
Ito po ang sitwasyon, kami po ng boyfriend ko ay nag-a-anal sex at hindi naman namin first time. Ginagawa namin iyon from time to time siguro mga once or twice a month lalo na kapag may period ako. Pero one time, parang napansin ko na may nakaumbok o nakalabas na parang skin or muscle sa aking bottom. Sinusubukan kong itulak ito papasok pero parang pilit na lumalabas o umuumbok ulit. Hindi naman ito masakit or anything. Minsan makati pero hindi ko alam kung paanong gagawin. Pa-advise naman po. Salamat.
Chopsticks
Hello Chopsticks!
Talagang nakakatakot ang sitwasyon na may nararamdaman kang nakaumbok or nakausli sa iyong likuran. Pwede iyan ‘yung tinatawag na internal hemorrhoid o kaya naman ay rectal prolapse. Pero sa parehong possibilities, kailangan mong bumisita sa isang health care provider para ma-diagnose ka ng accurate at magkaroon ka rin ng proper medication.
Ang anal penetration ay nakakapagpahina ng mga muscles sa loob ng anus over time lalo na kung regular ang pumapasok dito. Nangyayari din ito dahil sa constipation, panganganak o ang pagbubuhat ng mga sobrang bigat. Ito ay nagiging dahilan ng hemorrhoids or prolapse. Namamaga kasi ang mga blood vessels ng rectums kaya ito lumalaki, umuumbok at lumilitaw. May instances na hindi ka makakaramdam ng sakit sa mga ito.
Ang rectal prolapse naman ay ang paghina ng muscles nanagho-hold ng rectum ay humihina at nahahatak ng gravity pababa. Malaki ang pag-umbok nito na usually ay moist at pink ang kulay. Pero usually lumilitaw lang ito kapag dumudumi at may iilang mga cases na lagi itong nakaumbok.
Pwede mong subukan na kumain ng high fiber diet, ang hindi pagtayo o pag-upo ng extended period of time, maligo ng medyo mainit na tubig at paggamit ng lubricants kapag dumudumi. Merong mga surgical procedures na pwedeng gawin para mas mabilis itong mawala pero hindi ka dapat magself medicate at kailangang magpunta ka sa pinakamalapit na health center or medical professional. Siguro makakatulong din ang pagbawas ng anal penetration sa inyong dalawa. Marami pa kayong maaaring i-explore na gawin at i-share sexually. Enjoy and always be safe. #takeitfromthesexymind
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind
(Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.)