ABSWELTO na pala itong si John Lloyd Cruz sa dating jowa na si Angelica Panganiban.
Ito ay ayon mismo kay Angelica na tila lumabot na ang puso sa dating kasintahan ilang taon matapos ang kanilang mapait na hiwalayan noong 2016.
Ani Angelica sa interview niya sa “Gandang Gabi Vice” nitong nakaraang Linggo wala siyang ibang hiling kundi ang kaligayahan ni John Lloyd.
Truth?
Sa isang portion ng show binigyan ng pagkakataon si Angelica na magtanong kay John Lloyd.
Ito ang tanong niya: “Gusto mo ba akong magninang?”
Bagama’t hindi pa umaamin, kalat na ang tsismis na si John Lloyd ang ama ng sanggol na isinilang ni Ellen Adarna ilang buwan na ang nakalipas.
Aminado si Angelica na hindi pa sila nag-uusap ni John Lloyd pero napatawad na raw niya ito.
“Napatawad ko na. Masaya na ako. Masaya ako at wala akong hinihiling kung hindi ang buong buong happiness niya. Talaga. Nilang lahat. ‘Yun lang ang gusto kong mangyari. Sana, ‘yung hiniling niya, nakuha niya talaga,” diin niya.
‘Yun na. (Delia Cuaresma)