NAKAKALOKA ang pang-aagaw eksena ni Regine Velasquez sa concert ni Erik Santos sa Mall of Asia Arena kamakailan.
Ito ay dahil sa wala niyang patumanggang pag-amin hinggil sa plano nila ng asawang si Ogie Alcasid pagkatapos ng show.
Nangyari ito habang nasa stage siya, si Ogie at si Jaya, kasama ni Erik.
Ani Erik, “Silang tatlo po ang nag-encourage sa akin na mag-concert po dito kaya sobra po ang pasasalamat ko sa iyo, Ate (Regine).”
Regine replied, “Because we believe you can do it. With this great talent that you have, big voice, bakit hindi mo kayang punuin ang MOA?”
Patuloy pa ni Regine, she should know kasi aniya “Bata pa lang ako, nagko concert na ko. Hindi pa uso ang concert, nagko-concert na ako.”
Dagdag ni Jaya, “I think Erik needs to do this every year.”
Matapos ang tsikahan, hinatak na ni Regine si Ogie sabay sabing, “Halika na, alis na tayo.”
Ani Jaya, “Sama ako.”
Dito sumingit si Ogie nang, “Ang ganda- ganda ng suot ng asawa ko.”
Ani naman ni Regine, “Magse-sex pa kami.”
Napasigaw dito si Jaya ng, “Sinong magse-sex?”
Playing the role of good guy, ani Erik, “Uy, may mga bata.”
Pero hindi nagpatinag si Regine. Aniya, “Hayaan mo sila, galing rin sila dun.”
Oo nga naman! (Delia Cuaresma)