By MELL T. NAVARRO
SA wakas ay “binasag” na ni Dingdong Dantes ang kanyang katahimikan at nagsalita na siya tungkol sa matagal nang kumakalat na chika, kung tatakbo ba siya bilang Senador sa susunod na eleksiyon o hindi.
Finally, sa Facebook personal account ng aktor, tinanggi ni Dingdong na tatakbo siya for the 2019 election, dahil aniya, pagkatapos ng mahabang panahong pag-iisip, nakakuha siya ng sign mula sa Panginoon.
Ito ay ang makumpirmang nagdadalantao ang kanyang misis na si Marian Rivera, at say ni Dong, ang kanyang pamilya muna ang gustong niyang harapin, ang pagbubuntis muna ni Marian sa magiging “ate” ng bunso nilang si Zia.
Aniya sa isang post, “I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung-lalo na ni Zia.
“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.
“My discernment revealed what is truly important in my life – panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.
“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation – my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.
“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.”
As to those encouraging him to serve the public, he said, “…salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan – maliit man o malaki, may posisyon man o wala.
“Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.”