UMANI ng sangkatutak na pangungutya ang hot momma na si Kylie Padilla makaraang mag-post ito ng litrato sa Instagram kung saan makikitang pinadedede sa kanyang suso ang anak kay Aljur Abrenica habang nakaupo sa isang toilet seat.
Ayon sa mga bashers ni Kylie napaka “unhygienic” ng ginawa niya. Maari raw ma-expose ang bata at ang gatas niya sa mga germs na naninirahan sa banyo.
May ilan naman na tila naiinis na isinasapubliko pa ni Kylie ang simpleng pagpapadede sa kanyang anak.
Sey ng isa, “Papansin much?”
Ani naman ng isa pa, “Kailangan talaga sa bathroom?”
“Ang bathroom ay kung maliligo ka or dudumi, hindi pa doon mo pakainin o padedehen ang anak mo,” kutya naman ng isa pa.
Hay naku, paki n’yo ba?
Bakit hindi na lang ninyo gayahin si Iza Calzado at Iya Villania na simpleng ni-like na lang ang photo?
Ang social media nga naman, oo! (Delia Cuaresma)