By ROWENA AGILADA
LOOKING forward na si Alden Richards sa Christmas vacation niya sa Europe with his family. Pupunta sila sa London at Paris.
Christmas treat ‘yun ni Alden for his family at kahit 10 days lang sila roon, susulitin nila ang kanilang bonding moments. Super busy kasi si Alden sa kanyang work at bihira niyang makasama nang matagal ang kanyang pamilya.
Kahit walang lovelife, happy si Alden dahil may pamilyang nagmamahal sa kanya at supportive sa kanyang career. Christmas wish ni Alden, bukod sa good health for him and his family ay more blessings sa 2019.
Birthday girl
Birthday today ni Janine Gutierrez and for sure, happy at memorable ito sa kanya. Curious ang fans kung ano kaya’ng birthday gift sa kanya ng boyfriend niyang si Rayver Cruz?
Hindi na kailangang aminin nilang officially together sila dahil obvious naman sa kanilang pananalita kapag iniinterbyu sila ng press. Kita ang kilig at ningning sa kanilang mga mata.
Wish lang ng fans na pagsamahin sina Janine at Rayver sa isang teleserye ng GMA7. Mas okey daw sana kung sa unang teleserye ni Rayver sa pagbalik niya sa Kapuso Network ay sila ni Janine ang pinagtambal.
Sina Kris Bernal at Thea Tolentino ang co-stars ni Rayver sa isang upcoming teleserye. Pag-aagawan siya ng dalawang aktres na ani Rayver, feeling super guwapo siya.
Pag-amin ni Kris, crush niya noon si Rayver at hindi niya akalaing magkakatrabaho sila ngayong Kapuso na muli ito.
Bagay
Tailor-made kay Jestoni Alarcon ang role niya bilang isang piloto sa “My Special Tatay.” Anang televiewers, nakakalakas ng appeal kapag naka-uniform siya ng piloto.
Guwapo pa rin ang former “That’s Entertainment” member kahit nasa 40 something na ang kanyang edad. Alagang-alaga pa rin ni Jestoni ang porma ng kanyang katawan.
He is happily married to Lizette Capili with three (or four?) grown ups children. May college graduate na sila.
Samantala, inaabangan sa MST ang muling pagkikita nina Edgar (Jestoni) at Isay (Lilet). Malaman na kaya ni Edgar na si Boyet (Ken Chan) ang kanilang anak? Matatanggap kaya niya ang kalagayan nito na may mild mental intellectual disability?