By ALEX CALLEJA
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Naglalakad ako sa kanto namin at nadulas ako. Bagsak ako, una puwet! Nagtawanan yung mga taong nakakita sa pagkakadulas ko. Hiyang-hiya talaga ako kaya tumakbo akong pabalik ng bahay. Kapag dumadaan ako sa kanto, pakiramdam ko nagtatawanan sila at pinag-usapan ako. Gusto ko na tuloy lumipat ng bahay o kaya magpakalayo-layo! Ano po ang gagawin?
Delia ng Malibay
Hi Delia,
Akala ko naman kung anong nangyari sa’yo. Kalimutan mo na yun. Nasa isip mo na lang yun. Ang mga taong nakakita sa pagkakadulas mo, nakalimutan na nila yun. Sa’yo big deal, sila, pagkatapos kang pagtawanan, marami rin ang nangyari sa buhay nila. Oo, malamang, mga isang linggo ka nilang pagtatawanan, pero pagkatapos nun, limot na yun. Yung nasa isip mo na pinagtatawanan ka nila at pinag-uusapan, ikaw lang yun. Madaming mas nakakahiya pa ang nangyari kesa sa’yo! Ako nga, bumunggo mukha ko sa glass door, basag ang noo ko! Imbes na dalhin ako sa ospital, pinagtawanan pa ako kasi akala nagpapatawa lang ako! Eto pa, hiyang-hiya ka sa nangyari sa’yo eh wala naman nag-video at hindi nag-viral! Hanggang walang nag-video at hindi nag-viral, move on ka na!
* * *
Hi Alex,
Ako po ay isa 25 years old na binata at nagtratrabaho sa isang kumpanya dito Makati. May boss po akong babae. Matanda na siya (mga mahigit 50 years old na). Napapansin ko po na panay ang tingin niya sa akin. Kapag nagkatinginan naman kami, napapakagat siya ng labi. Naiilang po ako pero boss ko siya kaya ngumingiti na lang ako. Matagal na rin ako sa opisina at hindi pa ako napropromote kaya naman natatakot ako wag siyang pansinin. Ang problema, niyaya niya ako mag-out-of-town next week. Trabaho naman daw pero kaming dalawa lang. Natatakot ako na baka ito na ang pagkakataong hinihintay niya. Ano ba ang gagawin ko?
Philip ng Makati
Hi Philip,
Bakit ka matatakot? Hindi ba nasabi mo na matagal ka ng hindi napropromote. Congratulations, after next week, promoted ka na!
Pa-burger ka naman! Kapit lang sa patalim friend! Maglasing ka para hindi mo maramdaman.
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alex[email protected]
facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007