By RUEL J. MENDOZA
UNFORGETTABLE para sa 19-year old Kapuso star at StarStruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda ang makilala niya ng personal ang tinaguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud.
Si Jonas Gaffud ang nag-train kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at pati na ang iba pang mga naging runners-up sa Miss Universe na sina Venus Raj, Shamcey Supsup, Janine Tugonon at Ariella Arida.
Si Jonas din ang nag-train kay Miss World 2013 Megan Young at Miss International 2016 Kylie Verzosa.
Kinuwento ni Klea na-meet niya si Jonas sa OBar kunsaan nanonood siya ng isang drag queen show.
“That night sa OBar, I was with my cousins and titas. Hindi ko naman alam na nandoon siya, actually tapos na ‘yung show noon ng OBar, nag-stay na lang kami.
“Paglingon ko sa likod ko, nakita ko si Sir Jonas, nanigas ako, sabi ko ‘Tita, nandiyan si Jonas!’ Sabi niya, ‘Mag-ayos ka, mag-ayos ka!’”
Binigyan daw siya ng magandang payo ni Jonas.
“Nakausap ko siya, actually kilala pala niya ako. Sobrang happy ako na naiiyak.
“Kinakausap niya ako and sinasabi niya na ‘Huwag mong madaliin, huwag ka mag-rush.’
“Akala niya kasi hindi ako interested sa beauty pageants pero nakikita naman daw niya sa social media accounts ko na interested ako.
“In-invite niya ako at binigyan niya ako ng calling card,” ngiti pa ni Klea.
Isang invitation iyon ni Jonas na mag-train si Klea para sa paghahanda nito sa pagsali sa mga beauty pageant in the future.
“Since sabi naman niya sa akin na huwag akong magmadali, since sa kanya na nanggaling ‘yon, hindi ko naman talaga minamadali rin.
“Ayoko pa talaga, gusto ko sa akin manggaling na ‘Kaya ko na.’ Ako na ang magde-decide kung kailan ako sasali.”
Kasalukuyang napapanood si Klea sa GMAAfternoon Prime teleserye na “Ika-5 Utos.”