By ROWENA AGILADA
TULOY pa rin ang ‘Darna’ movie ni Liza Soberano matapos mag-resign ang direktor nitong si Erik Matti. For him, perfect choice si Liza para sa makabagong Darna. Bilib siya sa ginagawang preparations ng dalaga for her role. Nag-intense training si Liza sa martial arts at talagang kinarir niya ang pagpapapayat. Anyway, si Jerrold Tarog na ang direktor ng ‘Darna’. Sana tuluy-tuloy na ang proyekto.
Hiwalay na
Nakakalungkot at nakakahinayang na after 19 years ay naghiwalay ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista. Lima ang anak nila, isa rito’y anak ni Harlene kay Direk Rico Gutierrez. Itinuring ni Romnick na parang tunay na anak ito.
Walang ibinigay na dahilan sina Romnick at Harlene ng kanilang hiwalayan. Nakikiusap sila na igalang ang kanilang privacy.
Ang ganda pa naman ng love story nina Romnick at Harlene. Nagkasama sila at nagka-in-love-an sa “That’s Entertainment.” Nang ipareha si Romnick kay Sheryl Cruz at tinanggap ang kanilang love team ay nagkahiwalay sila ni Harlene. Suffer in silence ang drama noon ni Harlene.
Nakarelasyon din ni Romnick ang former actress na si Beth Tamayo na US-based na ngayon. Naging boyfriend naman ni Harlene si Direk Rico Gutierrez at nagkaroon sila ng isang anak.
After 12 years ay nagkabalikan sina Romnick at Harlene. Nagpakasal sila. Walang forever dahil after 19 years ay naghiwalay sila. May third chance pa kaya sila?
Thankful
Sa December na ang kasal ni Christian Bautista sa fiancée niyang si Kat Ramnani sa Indonesia. Dalawang anak lang ang plano nila dahil mahirap daw ang buhay ngayon.
Thankful si Christian na sunud-sunod ang shows niya sa GMA7. Katatapos lang ng “The Clash” at mapapanood naman siya sa “Studio 7,”upcoming weekly musical-variety show na magsisimula sa October 14 at 7:40 pm.
May shows pa si Christian here and abroad.