By RICA CRUZ
Dear Ms. Rica,
Ang alam ko po, sa mga lalaki, merong residue na smegma na parang white and medyo mabaho. Naiisip ko na occasionally, meron akong nakikitang white stuff tapos medyo foul smelling din. Nagpatest naman ako and wala akong STD. Iniisip ko baka natuyong ihi lang sya. Kaso, ayaw ko ‘yung feeling at itsura niya. Paano ko kaya mapre-prevent ito? Salamat.
White House
Hello White House,
Totoong merong substance na kagaya ng dinedescribe mo usually sa mga lalaki na may uncircumcised penis. Nakikita ito sa ilalim ng foreskin at tinatawag na smegma.
Ito ay natural lubricating residue na may kasamang skin cells, skin oil secretions at moisture, at pawis. Medyo cheesy white color ito na may medyo hindi magandang amoy.
Kung parang ganito ang iyong dinedescribe, maaari nga itong makita sa may labia ng iyong ari. Medyo unpleasant ang amoy nito kaya ang immediate action dito ay ang paghugas with warm water at iwasan na gumamit ng sabon sa area.
Maaari din itong maging dahil sa natuyong ihi kaya kailangan ding maghugas ng maigi tuwing pagkatapos magbanyo.
Magandang desisyon ang pagpunta sa iyong doktor upang patignan kung maaari kang may STD. Maganda ding nalaman mong wala kang sakit and eliminates worry.
Pero maaari ka ding magkonsulta sa iyong gynecologist para sa hygiene at health kung anong maaaring wash na magiging hiyang para sa iyo. With that, you can avoid embarassing situations when you are getting lucky. Always enjoy and be safe! #takeitfromthesexymind
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Couples and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.