By DELIA CUARESMA
Naku, nag-i-inarte na naman na para bagang teenager pa itong si Sharon Cuneta.
Aba’y mantakin mo, parang bata itong nagsumbong sa mga fans na may tampo raw siya kay Robin Padilla.
Bakit?
Ito ay dahil sa hindi pag-sipot ni Bad Boy sa kanyang 40th Anniversary concert kamakailan lang.
Ani Sharon sa post niya, “Hay nako. Nahurt ako. Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ko kilala ang bilis makalimot! Di na mauulit 40th ko. Pero sa abs-cbn ball may time sya. Okay lang napakasaya ko naman nung concert. Pero lam nya naman memory ko parang singlaki ng memory ng elepante. Di makakalimutan. Hmmp. What a disappointment.”
Wow.
Move on- move on din ‘te. Ilang years ago na nang naging kayo ni Binoe. May kanya-kanya na kayong asawa!
In any case, may fan na nag-eksplika na na-ospital daw si Robin at the time pero dinedma ito ni Shawie.
Oh, well. Gusto yata magpasuyo. Charot!