By ROWENA AGILADA
AWARE si Councilor Roderick Paulate na marami ang nag-aakalang bading siya sa totoong buhay, lalo pa’t nasanay ang publiko sa gay role na ginagampanan niya.
Over lunch with him, lakas-loob na tinanong siya ng kasama naming reporter kung bading nga ba siya? “Hindi, ah!” mariing sagot ni Dick. Joke nga niya, minsan daw ay kinakausap niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. “Tinatanong ko, bading ka? Hindi! Weeh! Hindi nga?, sagot ko sa sarili ko,” ani Dick.
Never daw siya na-confuse kahit na-typecast siya sa gay role. “Hindi ba, ‘yung mga tunay na lalaking actor, magaling mag-gay role?” aniya. Oo nga naman! ‘Andiyan sina Ronaldo Valdez, Michael de Mesa, Dennis Trillo, Mikael Daez to name a few.
Sa mga hindi pa nakakaalam, naka-dalawang girlfriend si Roderick. Una’y ang non-showbiz girl na si Atty. Olma Inocentes na US based na ngayon at married na. Pangalawa ang former actress na si Jackie Aquino, also married na.
Ani Paulate, sobrang focused siya noon sa kanyang career, kaya hindi nag-work ang pakikipag-relasyon niya sa magkaibang panahon.
Single pa rin hanggang ngayon ang actor-politician. Aniya, minsan pag-uwi niya ng bahay ay nalulungkot siya. Wala siyang mapagkuwentuhan ng mga kaganapan sa kanya after a hard day work bilang public servant.
Kandidato si Paulate for vice-mayor ng QC sa 2019 mid-term elections. Joke nga namin, who knows baka bago ang campaign period ay dumating si Ms. Right para makasama niya.
Tuloy na
Nagpaalam na si Regine Velasquez sa last episode ng “Sarap Diva” last Saturday na obviously, tuloy na ang paglipat niya sa ABS-CBN. Naintindihan ng GMA7 ang kanyang desisyon and wish her well sa pag-pursue niya ng panibagong opportunities outside GMA Network.
Twenty years naging Kapuso si Regine. Kahit wala pa siyang official statement, kumpirmadong Kapamilya na siya. Sa Facebook page ng ABS-CBN The Filipino Channel-Australia ay may post ng press release na ka-join si Regine ng husband niyang si Ogie Alcasid sa ASAP Live In Sydney Show sa October 20 na gaganapin sa ICC Sydney Theater.
Guests din sina Liza Soberano, Enrique Gil at iba pang Kapamilya stars.