UMAANI ng masasakit na salita ngayon ang komedyanteng si Vice Ganda.
Ito’y pagkatapos kumalat ng isang larawan kung saan makikita siyang kasabay na naglalakad ang aspiring senator na si Imee Marcos.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng madla na maraming hindi natutuwa kay Imee sapagka’t siya’y anak ng dating pangulong Ferdinand Marcos na binansagang diktador.
Sa isang tweet, ipinaliwanag ni Vice na nagkataon lamang na nagkasabay sila ni Imee sa isang flight. Iginiit din niya na hindi niya i-endorso ito sa darating na eleksyon.
“Nagpunta ko dun para mang aliw ng mga taga Ozamis City. Di para magendorso ng kahit sinong pulitiko. Di ako endorser ng mga Marcos!”
Gets niyo na? (Delia Cuaresma)