ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
Buntis ang bestfriend ko at ininvite niya ako sa Gender Reveal Party. Sa mga hindi nakakaalam, ang Gender Reveal Party ay party kung saan nalalaman ng parents kung ano ang gender ng magiging anak nila. Usong-uso ito ngayon at halos lahat ng buntis, ginagawa ito. Anong masasabi mo sa Gender Reveal Party?
Lissy ng Muntinlupa
Hi Lissy,
Hay naku, lahat ng lang hinahanapan ng excuse para gumastos ang isang tao. Lahat na lang hinahanapan ng dahilan para kumita ng pera. Anong mga susunod na pakulo, Ceasarian or Normal Party? O kaya, Positive or Negative Result Party? Ano pang mga okasyon ang iisipan natin para pagkakitaan? Kapag nagpacheck-up ka, Sick or Not Sick Party? Tigilan niyo na yan! Hintayin niyong lumabas ang bata para malaman niyo kung ano ang gender! Kung may pera kayo, eh di sige lang! Pero kung sakto lang eh ipunin niyo na lang sa actual na panganganak! Saka magrereklamo ang LGBTQ community! Bakit boy or girl lang? Paano kung bakla o tomboy? May point di’ba?
* * *
Hi Alex,
Ang hilig kong manuod ng sine, minsan first showing, minsan last full show. Minsan nga, first day pa lang ng pelikula, nanunuod ako. Kapag busy naman, humahabol ako kahit third week na ng pelikula. Kaya ang tanong ko, kelan ba masarap manuod ng sine?
Fred ng Taguig
Hi Fred,
Kung single ka, mas ok manuod ng maraming tao. Yung bago pa lang yung pelikula, para masaya. Iwasan mo lang yung mga love story, lalo ka lang maiingit kasi kasabay mo mga lovers! Piliin mo rin yung sinehan na walang guaranteed seats para kapag inantok ka, makakatulog ka at hindi ka masisita. Kung may syota ka, dapat last full show at konti na lang ang nanunuod! At dapat hanapin mo sa sinehan yung KKK na lugar. KKK o Kasuluksulukan, Kaduluduluhan at Kadilimdiliman! Alam na ng mga magsyo-syota ang ibig kong sabihin!
* * *
Hi Alex,
Nagtatae po ako, ilang araw na! Ano po ba ang bawal sa taong nagtatae?
Trish ng Mandaluyong
Hi Trish,
Bawal ang umubo! Delikado!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: [email protected]
facebook/twitter/in